Posted by Rem
Sa paningin ko, hindi na natuturing na balita ang trapik sa mga tila-malalawak na kalsada ng Kamaynilaan. Sabi nga ni Kuya Jov, ang paborito kong takatak boy sa Quezon Avenue, mas matakot ka pag hindi trapik, ibig sabihin may masamang nangyayari o kaya katapusan na ng mundo. Tulad ng madaming tao, hindi ko na siguro mabibilang kung ilang beses nakong nahuli sa trabaho o eskwela dahil nagkabuhol-buhol ang lahat ng bagay na may gulong – kotse, taxi, jeep, bus, trak, motorsiklo, bike at wheelchair – sa (ilagay ang pangalan ng kalsada). Nag-iiba lang ang lugar, pero pareho-pareho parin ang dahilan.
Ngunit isang gabi sa C-5, nagbago ang isip ko tungkol sa trapik – newsworthy pa din naman pala ito kahit papano. Linggo ng gabi noon, kagagaling lang naming Laguna at panatag ang loob ng lahat na maluluwag na kalsada ang sasalubong sa amin pagkalabas ng South Luzon Expressway. Sampung minuto matapos makalaya sa SLEX, dagat ng pulang ilaw ang sumalubong samin. Trapik, hindi gumagalaw ang mga sasakyan, yung ibang motorista nagpatay na nga ng makina. “Puñeta trapik, may pasok pako bukas!” bulalas ni Nicky na nakaupo sa passenger seat. Read the rest of this entry »